Monday, July 05, 2004

Survey

It's an Atenean survey...

1. Ano'ng student number mo?
001057

2. Nakapasa ka ba or waitlisted?
Nakapasa.

3. Paano mo nalaman ang ACET Result?
Sinabihan ako ni Abby na blockmates kami.

4. First choice mo ba ang Ateneo?
First choice. UP at Ateneo lang ang kinuha ko. Lakas ng loob ko, ano? Pero pumasa ako sa pareho. ;)

5. Alam mo ba ang ACET score mo?
Yung descriptive lang.

6. Ano ang first choice mo na course?
AB Communications

7. Second choice?
AB Psychology

8. Ano course mo ngayon?
MA Teaching Philosophy. Graduate na ako ng AB Communications.

9. May plano ka mag-shift?
Meron. Hindi pang-PhD ang TPh, eh. Dapat, MA PH ako.

10. Chinito/Chinita ka ba?
Hindi, pero ang saya kung oo, diba? ;)

11. Taga-Ateneo High?
Hindi. Bosconian po ako.

12. Nag-enjoy ka ba sa OrSem?
Oo naman. Hindi ko lang gaano maalala yung mga nangyari nun...

13. Saang gate ka pumasok nung first day?
Sa gate 2 ata. Nakatira ako sa may McDo, eh.

14. Nakapag-dorm ka na ba?
Oo. Sa Tita ko saka sa may Alta Vista.

15. Nagka-F ka na ba?
Ako pa? Pero muntik na minsan kasi ang hilig ko mag-cut nung first sem.

16. Nagka-A?
Oo. Let's see... Com 100, 101, 103, 104, 109, 116.5, 116.6, 116.7, 125, 167, 168; Psych 100; SA 21; History 16, 165, 166; Philo 102, 104; Theo 151; PolSci 100; Eco 101. Hindi ko gaano kasigurado yung mga numbers nung subjects, though. Basta malamang, yan na yun... ay. Ang yabang ko talaga.

17. Highest Grade:
A

18. Lowest Grade:
D

19. Worst experience sa AdMU:
Siguro nung muntik na akong bumagsak sa Math 11, saka yung nagkaproblema kami dati ni Willard at Abby. Wala na akong ibang maisip sa ngayon, eh.

20. Lagi ka bang pumapasok sa klase?
Halos, simula second year.

21. Ano'ng org mo?
ADS, saka honorary member ng Comicol at Celadon? ;)

22. May scholarship ka ba?
Puwera CAP, wala.

23. Ilang units na ang naipasa mo?
Not including PE and CMT, 125 ata all in all.

24. Nangangarap ka ba na mag-Cum Laude?
Oo naman. Awa ng Diyos, umabot. Mas nangarap ako siyempre na maging Summa o Magna. Ambisyosa ang lola niyo.

25. Kelan ka magtatapos?
March 2004, tapos na po.

26. Fave teacher:
Ms. Chua (Kahit hindi officially teacher.), Mr. Bulaong, Dr. Barbazza, Sev Sarmenta, Fr. Nick, Ms. Sining Tanedo.

27. Worst teacher:
Mrs. Diyco. Wala na akong maisip pang iba, pero sigurado ako, meron pa.

28. Fave subject:
Psych 100, Philo 101-104, Film classes w/ Fr. Nick, Theo 131-151.

29. Worst subject:
Math 11, NatSci's ko.

30. Fave landmark sa AdMU:
Comm Dep, Manang's, Calf Up.

31. Building:
Faura, Comm Dep.

32. Paboritong Kainan:
Calf Up, Manang's.

34. Estudyante ba ang binabayad mo sa Jeep?
Hindi. Maumpisahan nga...

35. Lagi ka ba sa Rizal Lib?
Minsan lang.

36. Nagpunta ka ba sa Infirmary nung minsang nagkasakit ka?
Oo. Minsan lang. Paano ba naman, na-sprain ang wrist ko sa kaka-computer...

37. May crush ka ba sa campus?
Ang mas mainam na tanong ay ilan.

38. BF/GF?
Hindi sa Ateneo.

39. May balak ka ba mag-Masters o mag-PHD?
Heto na po at ginagawa na.

40. Anu-ano ang mga naging PE mo?
PE 101, Table Tennis, Basketball, Taekwondo.

41. Kamusta naman ang Block nyo?
Close sila. Sila. Wala akong pakisama sa mga bar-hopping at kung anik-anik ng karamihan sa kanila, eh. Iilan lang talaga ang naging kasundo ko talaga sa block ko...

42. Nakapanood ka na ba ng Graduation?
Sarili namin lang. Sayang hindi ko pinuntahan yung sa SOSE at SOM...

43. Memorize mo ba ang Alma Mater Song?
Kapag tumutugtog, oo. Kapag mag-isa, medyo.

44. Memorize mo ba ang Fabilioh?
Kailangan pa ba i-memorize iyan? Oo yata kapag narinig ko siya ulit.

45. E ang Halikinu?
Sigurado akong memorized ko iyan.

46. E ang Blue Eagle Spelling?
Alin? G-R-E-E-N A-R-C-H-E-R-S? Ahe. Baka masibat pa ako. Tama na nga.

47. Member ka ba ng Team Ateneo?
Hindi. Kahit man lang debating team, hindi.

48. Sino ang paborito momg UAAP Basketball player?
Wala, kahit na kilala ko yung iba sa kanila.

49. Naka-perfect ka na ba ng exam?
Alam ko, oo. Pero hindi ko na maalala kung alin-alin.

50. Ano'ng ayaw mo sa hell week?
Na nagiging Hell sem siya.

51. Dito ka ba natutong uminom ng beer o alak, manigarilyo?
Hindi.

52. Dito ka ba na-devirginize?
Hindi.

53. Ano'ng gusto mo sa school natin?
Marami akong kakilala at nakakausap, maraming Chinita, at higit sa lahat, tanyag na Philo Department. Hindi minamaliit hindi katulad sa iba daw... saka nagiging "authority" daw ako sa Philo at Theo dahil sinasagutan ko sa weblog ko yung mga Thesis statements bago mag-orals...

54. Ano'ng ayaw mo?
Na masyado akong naging low-profile, at malabo ko nang mabago iyan...

55. Bumili ka na ba sa A-Shop?
Hindi.

56. Maganda ba ID pic mo?
Okay lang. Sabog nga lang talaga ang buhok ko...

57. May ginawa ka na bang illegal sa loob ng campus?
Siguro. Hindi ko lang alam kung alin. Nanira ng buhay? Baka.

58. Nakabili ka na ba ng gamit sa National Katips?
Siyempre.

59. Nag-Starbucks ka na ba sa Katips?
Oo naman. Lalo na kapag kasama ko si ... reyna ng kape.

60. Gusto mo bang mag-aral uli?
Kung masusunod ako, magturo na lang. Pero kailangan muna mag-aral bago makapagturo ng mainam, eh.

No comments: